MANILA, Philippines — Muling nanguna si Bam Aquino bilang most favored senator sa pinakabagong PAHAYAG First Quarter survey ng Publicus Asia.
Batay sa resulta, nakapagtala si Aquino ng 59 porsiyentong net favorable rating, kung saan 30 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing siya ay “very favorable.” Mas mataas ito kumpara sa kanyang 54 porsiyentong rating sa nakaraang Pahayag 2025 End-of-Year (PEOY-2025) survey.

Pumangalawa at pumangatlo naman sina Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, na kapwa nakakuha ng tig-50 porsiyentong net favorable rating.
Kabilang din sa Top 10 ng survey sina Rodante Marcoleta, Bong Go, Raffy Tulfo, Ping Lacson, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, at Ronald dela Rosa.
Isinagawa ang PAHAYAG First Quarter survey mula Marso 21 hanggang 24, 2026, na nilahukan ng 1,509 rehistradong botante sa buong bansa. Gumamit ito ng purposive sampling, kung saan ang mga respondent ay random na pinili mula sa market research panel ng PureSpectrum, isang kumpanyang may pandaigdigang operasyon at regional office sa Singapore.
Ayon sa Publicus Asia, sila rin ang survey firm na tamang nakapaghula sa naging resulta ng 2025 senatorial elections, kung saan nanguna sina Aquino at Bong Go.
- Bam Aquino, nanguna sa Publicus Asia 1Q survey - April 7, 2026
- Laguna grants land for DOJ katarungan center in Santa Cruz - March 6, 2026
- Mapúa, Arizona State University expand landmark academic partnership - February 27, 2026