CABUYAO CITY, Laguna — Magkakaroon na ng libreng board examination review ang mga graduates ng Pamantasan ng Cabuyao (PNC) simula ngayong taon, matapos ipahayag ni Mayor Dennis “DENHA” Hain ang bagong programang layong suportahan ang mga bagong propesyunal ng lungsod.
Ang anunsyo ay ginawa nitong Lunes kasabay ng flag raising ceremony sa PNC na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang panlungsod.

Unang ipatutupad ang programa para sa mga nursing graduates sa pakikipagtulungan sa isang review partner. Isasagawa ang review sessions sa loob ng PNC, habang ang pamahalaang panlungsod ang sasagot sa iba pang kinakailangang pondo at suporta.
Buong suporta rin ang ipinahayag ng Sangguniang Panlungsod sa programa, na naisakatuparan bilang resulta ng mas pinaigting na koleksyon ng buwis mula sa mga taxpayers. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang benepisyong ito ay itinuturing na pamumuhunan sa mga future leaders at professionals ng Cabuyao.
Nagpasalamat din si Mayor Hain sa pamunuan at komunidad ng PNC sa patuloy na suporta sa mga programa ng lungsod noong 2025.
Samantala, pinag-aaralan na rin ang pagpapalawak ng programa upang maisama ang iba pang kurso at ang posibilidad na mapakinabangan din ito ng mga graduates mula sa mga pribadong paaralan.

- Bam Aquino, nanguna sa Publicus Asia 1Q survey - April 7, 2026
- Laguna grants land for DOJ katarungan center in Santa Cruz - March 6, 2026
- Mapúa, Arizona State University expand landmark academic partnership - February 27, 2026